"MERRY CHRISTMAS!!!" Masayang sigaw namin ng mga babaeng pinsan ko at kinakapatid ko sa vlog na ginagawa ko habang sa cellphone naman ay nandon si Storm ay nakangiti sakin. Nakatapat kami pareho sa camera at parehong sinasalubong ang pasko kahit hindi mag kasama. Ni flip ko ang camera at tinapat sa langit kung nasan ang fireworks. Nakangiti ako dahil sa sobrang saya. Bukod sa kasama ko ang pamilya ko at kumpleto lahat kami sa mansion. Hindi sumama si Zideya at pamilya nya samin dahil sa hiya. Nalaman ko din na binigyan ni papa ng magandang trabaho ang mama nito habang si Zireya naman ay binigyan ni daddy ng Scholarship. Kahit saan nya gamitin 'yun ay walang bayad yun. Saktong sakto ay first college na si Zire next year. Akala ko nga bata pa lang si Zire dahil sa ayos nito pero mali