Pinuntahan ako ni Kuya para alalayan. Nag lakad kami papunta don. Katabing room lang naman si papa. Sa pag pasok namin don ay kumpleto kami. Nag lakad ako papunta don at para bang ako ang hinihintay. Nakangiti ito sa akin at para bang inaabot ako. Dahan dahan ako lumalapit don dahil umiiyak ang mga pinsan ko. Kahit si Tita Ayana, Ninang Mel, Ninong Gab, Ninang Mj, Ninong Lyricko, Tita Gabriella, Mom, dad, Tito Saimon at tito David. Si mama ay tahimik na nakatingin dito. Lahat sila namumula ang mga mata at halatang galing sa kakaiyak. Ano 'to? Hindi pwede. Hindi ko kaya. "Papa." Agad ako pinaupo si Kuya sa tabi nito. Kahit ito ay namumula na ang mga mata. "Pa!" umiyak agad ako sa dibdib nito. "Buntis po ako." umiiyak na sabi ko. "Pa!" tawag ko muli dito. "Shhh. Rhaine." Umiyak ako ng umi