"Storm please." Hindi ko alam kung paano sisimulan. Walang kaalam alam si Sky na kasama na namin ang matagal n'ya na hinahanap. Ang matagal n'ya ng gustong makita. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Alam kong matutuwa s'ya pag nalaman pero ayoko umasa ang anak ko. Paano kung bigla lang din s'ya mawala tulad ng dati? Maiwan kami sa ere? Ayoko. Ayoko maramdaman ng anak ko ang nararamdaman ko noon. I still inlove with him. Hindi ko itatanggi 'yun. Kahit sinong lalaking lumapit sa akin ay hindi ko pinapansin. Kahit alam ko ano ang gusto nila ay sinasabi ko sa kanila na hindi ako handa pumasok sa isang relasyon. Dahil may anak ako, ayokong mag isip ang anak ko. Kahit kami na lang ng anak ko hanggang dulo ay ayos na ako. Ngayon si Storm. Alam kong mahal na mahal ko pa rin s'ya. Handa ako m