Kinabukasan ay nagpasya kami ni Race na umalis na sa kanilang bahay. Hindi ko na nakausap si Sir Zandrou para sana kamustahin ang pagdalaw niya kay lolo. Ang sabi kase ni Sir Vaughn ay may inasikaso raw sa kanilang kumpanya. Bago kami umalis ay nakiusap ako kay Race na puntahan ulit ang underground garage nila. At hindi ko alam na may kabilang kwarto pala iyon nakasinglawak din ng nauna at doon nakalagay ang mga vintage cars. Kahit mangha ay hindi na rin namin nilibot ang kabilang kwarto. The only reason why I wanted to go down there with him was that I wanted to ask him if his old car with a special trademark is still working. "Special trademark, huh?" he chuckled amused. Medyo tense siya kanina nang ipinakita ko ang kotseng ito at medyo kumalma sa sinabi kong iyon. "Is it still worki