Kagat ang labi, hawak ang mga kamay ay pabalik-balik akong naglalakad sa sala. Hindi naging maganda ang mga pangyayari sa pagitan ng mga magulang ko at ni Race. Paano kung hindi rin maging maganda ang kalabasan ng pag-uusap na ito? But then, kung hindi pa ngayon, kailan pa namin sila pormal na makakausap tungkol sa relasyon namin? Dad called the receptionist of this hotel and asked if Race really did reserve the function hall for a meeting. Matapos iyon ay tumawag sa amin ang receptionist. Bago iyon ay nakapaghanda na kami, tila sigurado na nga si Race na darating sina daddy. "Hey," boses ni Race na hindi ko namalayang lumabas ng kwarto. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko mula sa likuran na nagpatigil sa akin sa paglalakad. "Don't be nervous. Kinakabahan na rin tuloy ako. Pakiramda