Chapter 34: Weak

4118 Words

Kagat ang labi at pinipigilan ang mga luha ay isang beses akong humakbang. Huminto rin ako agad, hindi sigurado kung anong dapat gawin. Nasasaktan siya dahil sa akin. Ilang beses siyang kumurap at lumingon sa paligid. Tila ngayon lang natanaw ang kalat na ginawa. Ang nakakuyom na kamao ay itinago sa akin. Ipinahid niya ang dugo noon sa likod ng kanyang pantalon. Ako ang napangiwi dahil sa ginawa niya. Paniguradong ang sakit noon ngunit mukhang wala lamang naman sa kanya. "I heard her parents is in the country. Mas mabuti siguro kung doon na muna siya. I will take her—" Walang ideya si Grey na iyon ang dahilan nang nangyayari ngayon. Hindi rin niya alam na paalis na rin ngayon ang mga magulang ko. Kaya naman nagsalubong ang kilay niya nang sabay namin siyang tinapunan ng masamang tingin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD