"Can we talk now?" marahang tanong ko habang s'ya ay diretso ang tingin sa kalsada. It's obvious in his deeply knitted brows that he is upset. Ngunit sa tuwing tinititigan ko iyon ay hindi ko maiwasang mamangha. It looks so perfect for him. Hindi ko malaman kung bakit kahit na badtrip at galit s'ya ay nakakamangha pa rin s'yang tingnan. Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang aking mga daliri. Gusto kong haplusin ang mga kilay n'yang iyon at subukang ibalik sa dati. Umiling ako. Napaka-insensitive ko naman kung gagawin ko iyon. He is mad tapos paglalaruan ko pa ang kilay n'ya? Mas iintindihin ko pa ba iyon kaysa ayusin ang pagtatalo namin? Isang beses akong muling sumulyap. Ngayon naman ay bumagsak ang tingin ko sa labi n'yang diretso ang linya. Ganoon din sa panga n'yang mariing nakaku