"Your parents need to know about this." Kumurap-kurap ako dahil sa istriktong boses ni Tito Klaussus. Ang akala ko ay ang tungkol sa kondisyon ni lolo ang tinutukoy n'ya. Iniisip kong wala namang masama kung malaman nila lalo na ni daddy. Ngunit nang nagpatuloy s'ya ay natahimik na ako. "About you and Mr. Zandrou's grandson." mataman n'ya akong pinagmasdan habang hinahanap ang aking tingin. I kept my eyes on the wooden table. May iilang customers ang coffee shop na ito na nasa loob mismo ng ospital. Nasa dulong bahagi kami kaya wala namang nakakaabala sa pag-uusap namin ni Tito. Iyon ang dahilan kaya ako kinakabahan ng ganito. His focus is on me. At walang dahilan para umiwas ako sa mga sasabihin at itatanong n'ya. Race is waiting for me somewhere. In the lobby or in his car, I don't k