Walking in the hallway of the hospital, I've realized that everything seems like a dejavu. Hindi naman lahat pero karamihan ng nangyayari ngayon sa akin ay para bang nangyari na rin noon. Tulad na lang ngayon. Magkasama kami ni Race na papunta kay lolo. Tulad din noon nang maospital siya. Siguro nga ay ibang mga moments lang sa buhay ko ang nauulit. At hindi rin naman iyon parehas na parehas sa mga nangyari noon. Ngunit hindi ako mapakali. What if it does? What if there's a moment na mangyari, nangyari noon, exactly as it was before. Ang pinag-aalala ko ay hindi ang naging away namin noon ni lolo. Ang iniisip ko ay ang pag-iwan ko kay Race noon ilang araw matapos ang usapan namin ni lolo. Alam kong nasa akin pa rin ang desisyon. At nangako ako sa aking sarili na hinding-hindi ko na iyo