I was surprised to see Kayla with them. It's not like it's her first time going in here but the awkwardness between her and Madame Cara is too obvious not to take notice of. Ganunpaman ay wala namang nagsabi kung bakit siya narito. It's a sign of respect na rin na huwag nang magtanong. Siguro naman ay dumadalaw lang. We are still all a family. Maingay silang nag-uusap sa sala. Paminsan-minsan nila akong sinasali sa usapan ngunit hindi ko naman masabayan ang pagtawa nila. Hanggang ngayon kase ay kapansin-pansin ang tila naiilang na tingin sa akin ni Kayla. Pakiramdam ko tuloy ako rin ay naiilang na. Nang matanaw ko ang isang kasambahay na lumapit dala ang tray ng juice at ilang baso ay nagpaalam kong pupunta muna sa kusina. Tahimik akong umalis doon at sa kusina ay uminom ng tubig. I don