Totohanin ko 'yun kahit masakit. Ipapakita ko sa kanya na kaya kong wala s'ya. Kinaya ko ng ilang taon, ano pa kaya ngayon? Ilang araw pa lang. Hindi pa naman masyadong malalim. Kaya ko pa, kaya konpa iahon ang sarili ko sa kan'ya. "Baby girl." hinawakan n'ya ng hita ko. Hindi ko 'yun hinawi o ano. "Let me explain." Explain? For what? Hindi, hindi ko na kailangan. Wala na kwenta pa ang eksplenasyon n'ya. Dinilat ko ang mga mata ko saka tumingin sa kanya. "It's okay. Wala kang dapat ipaliwanag." bumalik ako sa ayos ko. I heard him sighing. Nakaka-dissapoint s'ya. Nakita n'ya naman na ayaw ko, pero ano 'to? Tinago n'ya pa sa 'kin. Bakit ganito? Bakit parang alam ko na ang mang yayari. Parang hindi na ko nagugulat. Disappointment na lang ang nararamdaman ko. Ganon ba talaga pag sanay