I am still can't believe that he proposed to me! Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Unexpected, meron din s'yang singsing na ibinigay sa 'kin ng makarating kami sa kwarto namin. Isang While Gold na may diamond sa gitna. Sakto ang laki at may nakaukit na pangalan ko sa loob ng singsing. Para akong lumulutang sa ulap sa sobrang saya. Lahat ng disappointment ko nawala, ang mga sakit at pag iisip ay nawala dahil sa assurance na binigay n'ya sa akin. He wants to marry me. Ang sayang nararamdaman ko ay hindi mapaliwanag habang nakatingin sa singsing sa daliri ko. Paano kaya pag sinabi ko sa mga kapatid ko? Kay Mom and Dad? Sa mga pamangkin n'ya! I am sure they would be happy for us. Alam ko, alam na alam ko dahil mahal na mahal nila kami ni Tian. Ang saya