THE GREEK EUNICE HAZE VALERIANO "SINO 'yung narinig ko kanina?!" malakas na tanong ni Rem habang nang-iintrigang nakatingin sa kanya, ito agad ang bungad ng kaibigan sa kanya nang makita siya. Akala niya'y nakalimutan na nito ang narinig kanina ngunit nagkamali siya, hindi nga pala ito nakakalimot ng basta-basta lalo na kapag mainit-init pang chismis. "Rem! Napakachismosa mo, antayin muna natin siyang makaupo," saway ni Haven dito before gesturing her to sit down. Nginitian niya ang dalawa bago tuluyang umupo sa upuang katapat nito. "There, now she's seated," Rem said while looking at Haven and pointing at her. "So sino siya?" tanong nito na siya naman ang binalingan. "Ang issue mo," tugon niya saka uminom ng tubig. "Anong issue d'un aber? Rinig na rinig ko, boses lalaki," mapagp