YOU ARE MINE EUNICE HAZE VALERIANO Nag-angat ng tingin si Eunice mula sa cellphone at inalis ang earphones na nakasalpak sa kanyang tenga. She's streaming the new M/V of Red Velvet nang marinig niya ang pagtunog ng bell, indikasyon na may customer na pumasok. Mukhang tama ang desisyon niyang mamaya na magsara ngunit nang tuluyan niyang makita kung sino ang pumasok ay natulala siya, ilang minuto ang lumipas bago siya makabawi at kalaunan ay sinamaan ito ng tingin pero sinuklian lang siya nito nang matamis na ngiti. 'Anong ginagawa niya rito?' inis na tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ng binata na papalapit sa kanya. Tatlong araw itong hindi nagpakita sa kanya matapos nitong iannounce sa madla na asawa siya ito, gaya ng pagkawala ng binata ay ang biglang pa