HONEY? POSITIVE? EUNICE HAZE VALERIANO "HONEY, yes, I'll meet you when I have the time. Sa Friday pa ang trial ko, isasabay ko na lang ang pagpunta sa'yo." Mabilis na nagmulat ng mata si Eunice nang marinig pa lamang ang katagang 'HONEY' na binanggit ng asawa. May kung anong kumirot sa dibdib niya ngunit patuloy pa ring nakikinig kahit na tumalikod siya sa gawi nito. Kailan pa? Kailan pa siya niloloko ng asawa? Akala siguro nito'y tulog pa siya but no, she's wide awake and she's hearing everything that he says. "No, don't do that my wife is here. I don't want her to know about this." Napahawak siya sa dibdib bago tuluyan at unti-unting tumulo ang luha niya. Sobra siyang nasasaktan, bago lang silang mag-asawa pero nakuha na agad nitong mambabae. Hindi na ba siya agad mahal ni Marde? Wal