MOM? EUNICE HAZE VALERIANO DALI-daling tumayo ang dalaga sa kinauupuan at halos takbuhin na ang distansya sa pagitan niya at ni Marde na nasa pinto. Mabilis na nilukob ang dibdib niya ng pag-aalala nang marinig niya ang malakas na pagkabasag. Natutop niya ang bibig nang makita ang isang basag na baso sa sahig. "Amore mio, are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa asawa saka kinuha ang dalawang kamay nito at mabilis na inenspeksyon kung may sugat ba ang mga iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang ayos naman ang mga kamay nito saka nag-angat ng tingin sa mukha ng binata. Balisa ito, walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mga mata nito habang hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan na tila naging isang estutwa. "Amore mio, are you okay? What's wrong? Tell me," ulit niya sa sin