WARNING MATURE CONTENT AHEAD! MR. AND MRS. LOPEZ MARDE NICHOLAS LOPEZ PUMUTOK na ang araw nang makarating sila sa isla, totoong ipinasara nga iyon ng kaibigang si Vann dahil sa pabor na hiningi niya rito. Mahaba ang biniyahe nila bago marating ang lugar, mahigit apat na oras. Mabuti na lamang at mahimbing pa rin ang tulog ni Eunice- na lasing pala- kahit na sobrang maalon ang dagat. Bumaba siya sa speed boat bago nagtungo sa likuran upang buhatin ang natutulog na dalaga. Tinanggal niya ang makapal na kumot na nakabalot dito bago tuluyang buhatin ito. Amoy na amoy niya ang pinaghalong whiskey at rum, ngunit hindi siya nagdalawang isip na magaang halikan pa rin ito sa labi. Naglakad siya habang buhat ang dalaga patungo sa pinakagitnang bahagi ng gubat at natagpuan niya ang sinasabing mali