Chantalle Amadeo I felt refreshed after the debate. Panatag akong kaya kong manalo sa election. Ginawan ko ang lahat kaya imposibleng madehado ako. Hindi man ako manalo alam kong hindi naman ako manungulelat. May mga tao talagang sumusuporta sa akin. Pagpasok ko naman good vibes na good vibes ako. Lahat nang bumabati sa akin pinapansin ko. Lahat ng subjects pinasukan ko. Si Verra lang talaga ang medyo nakasira sa araw ko. Kanina niya pa ako tinititigan pagpasok ko pa lang sa SC room. Nasa isang sulok siya at nakahalukipkip. Tapos na akong kausapin siya. Dumating na talaga ako sa kasukdulang hindi ko na ipapaliwanag ang sarili ko sa kaniya. Kung ayaw niya sa akin 'di 'wag. "You looked so happy." Mapait niyang pansin sa akin. "What's wrong with being happy?" "Yeah, there is nothing wro