Chantalle Amadeo Ilang beses kong idinudukdok sa dashboard ng sasakyan ni Owen ang ulo ko. Pano ba naman wala na namang preno ang bibig ko kung kinakailangan. Pagkatapos noong sinabi ko kay Tito Kentucky wala na talagang nagsalita. Kung hindi lang tumayo si Owen at hinatak ako papalabas ng bahay nila at isinakay ako sa kotse. Kanina pa siya nagmamaneho pero hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Baka papatayin na niya ako? Crazy. I'm going crazy. We stopped in front of the theater. Dito ginaganap ang iba sa maliliit na concerts mapa-rock to classical. Nag-concert na dati si daddy dito. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawa kasi nga nahihiya pa rin ako sa pinagsasabi ko kanina. Basta pagkababa niya bumaba na rin ako sa kotse sinundan ko siya hanggang doon sa entrance ng