Chantalle Amadeo Sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Masamang panaginip at dapat na akong magising. Pagkagising ko okay na ang lahat. Na kami pa rin ni Arden. Na mahal pa namin ang isa't isa. Ihahatid niya ako sa bahay gaya ng lagi niyang ginagawa pag hindi siya busy. Pag-uwi ko makikita ko si mommy na na-kaready na sa lahat ng bitbitin niya para pumunta sa gig ni daddy. Isasama niya pa ako pero pagdating namin doon nagmamadali na akong umuwi kasi may mga assignments pa ako at kailangan kong gumising ng maaga. Bilang isang role model at future SC President, dapat always present at matataas ang grades ko sa klase. Sa university, paniguradong nagme-meeting kami para sa pangangampanya namin bago ang election. Magbibigay na ng magandang advise sa amin ni Verra si Prof. Adolfo. Si Verra