Owen Orbiso "Ang akala naming lahat bad boy ka lang tapos sumali ka sa basketball team. Ngayon nalaman naming tumutugtog ka pala." Sobra na atang kinikilig 'tong baklang host namin kay Gab. Si Gab naman parang binibigyan ako ng masamang tingin. Wala naman siyang sinabing wag kong ipagkalat na may banda siya. Akala ko nga alam ng buong WVU dahil marami ring mga babae ang nakikinuod sa gigs nila. "'Yong bad boy image ko sa university na 'to siguro dahil sa pagtugtog ko. Kasi kahit underage pa ako nagpupunta na ako sa bars para tumugtog. Hindi talaga ako bad boy." Nainggit ako sa inamin niya sa madla. Nagawa niyang bumali ng rules para lang magawa ang gusto niya. "So bakit mo naman naisip ang mag-basketball?" "It's a secret." Pamisteryoso pa niyang sagot. Sa pagkakaalam ko dare lang an