Chantalle Amadeo Nagising akong parang binabangungot. Maski kasi sa panaginip ko paulit-ulit ang huling usapan namin ni Owen. Umalis ako na alam kong nasaktan ko siya. I never thought that he will fall in love with me. And if Kuya Orlando's words were right, then he likes me since then. Anong nagustuhan niya sa akin? I'm nothing but an empty shell before. Wala akong kaibigan, lagi akong mag-isa at kung pwede lang itaboy ko silang lahat. Isa rin akong user, selfish at ambisyosa. Lalo na ngayon. I used him for the second time around. Dati guilty ako na ginamit ko siya para magkaroon ako ng kaibigan pero ngayon... kala ko ayos lang ang set-up naming ganito kasi siya ang klase ng lalaking hindi nagseseryoso. Nagkamali ako. "Gising ka na pala," pamilyar ang sumalubong na boses sa akin pero