Chantalle Amadeo Masyado lang akong nag-iisip. Walang nangyaring higit pa sa amin ni Prof. Adolfo. Wala lang 'yon. Ouch! "Okay ka lang?" Mas nabigla ako ng makita ko sa tabi ko si Owen. Tiningnan niya ang kamay kong napaso. "Asan ang first aid kit n'yo?" Umiling ako. "Don't worry. Maliit lang 'to." "Ako na magluluto. Ihanda mo na lang ang mesa." Inagaw niya ang pwesto ko. Sinubukan kong paalisin siya pero matigas ang ulo. Hinalikan niya pa ako sa ulo kaya naman natigilan na lang ako. Nakatingin pa si daddy kaya sumunod na talaga ako. Masyado lang akong nag-iisip. Wala lang 'yon. Kumain kami nang tahimik. Ang awkward lang talagang kasama ko ang dalawang lalaking 'to. Sa isipan ni daddy kami ni Owen. Kay Owen naman for sure na ilang pa siya kay daddy. Ako naman ilang sa sweetness na