Owen Orbiso Sumalok ako ng tubig sa pool gamit ang kamay ko. Tapos ikinuyom ko yung kamay ko para hindi matapon. Kung gagmitan ng common sense, wala talagang matitira. Elementary pa lang ata pinag-aralan na namin 'to. Pero parang ngayon lang nagkaka-sense sa akin. "Lumangoy ka na kung ayaw mong mapag-initan ka na naman ni coach. Nakikinig ka ba?" Tinapik ni Mario ang balikat ko. "Bakit hindi ko s'ya mahawakan?" Tanong ko sa kaniya habang sinusubukan ko pa ring wag tumapon ang tubig sa palad ko. "Loko, nahahawakan mo naman ah." Kinuyom ko uli ang kamay ko. Saka ko siya tiningnan. "Nangaling ka ba sa ancient kung saan hindi pa nadi-discover ng tao ang paggamit ng apoy? O nagdadrama ka lang? Yung tipong 'para siyang tubig, nakikita ko, nararamdaman ko pero kumakawala siya pag hahawakan