Chantalle Amadeo "He is, what?" Napangiwi ang mukha ni Dillon sa sinabi ko. Uminit ang buong mukha ko sa hiya. "He's obsessed with me, Dillon." "Anong pinagsasabi mo? You're probably not using the right vocabs." Pilit siyang tumawa. "Binalak niyang..." napakurap ako para pigilan ang namumuong luha sa mata ko. Ang mga kamay ko naman nakahawak sa dibdib ko na parang naninikip na naman. "Pinagtangkaan niya akong..." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ci, I'm your bestfriend but I'm not tolerating backstabbing." Natigilan ako sa sinabi niya. Kung kanina hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos ngayon titig na titig na ako sa gulat ko sa sinabi niya. Masyado pa bang maagang magtiwala kay Dillon? Pero kala ko maiintindihan na niya ako! Kala ko nga maiintindihan ako ng lahat pero ang kinakat