Kabanata 25 "Liham, nagawa mo pa talagang ngumiti!" Kinakabahang sagot ko sa kanya, he remained smiling. Wala sa sariling dumapo ang kamay ko sa likod niya nang sumandal siya sa aking katawan para supurta. Then I felt it. I felt the warm, thick, and sticky blood of his. Tinignan ko ang paligid, all I saw were dead bodies scattered at the way, gusto kong umiyak lang nang umiyak ngunit hindi ko magawa dahil si Liham ang nasa isip ko. "Liham, oy. Sagot naman." I murmured. Umungol siya, tumingin siya sa akin. His eyes were droopy as if he is tired, nang makita ko si Guardian na nagmo-monitor sa mga bangkay ay sinitsitan ko siya, agad naman siyang tumingin sa akin. Nang makita niya ang lagay ni Liham ay halatang nag-alala agad siya. "Health squad, the zone is safe. You may proceed, Young M