Kabanata 11 The weeks passed, lagi kaming magkasama ni Liham. Sa banyo na lang siguro kami nagkakahiwalay. Syempre, isa akong sekretarya niya pagdating sa trabaho at saka nakatira ako sa mansion niya kaya hatid sundo ako kumbaga. Si Lessy naman ay nakakausap ko naman sa video chat, miss na miss ko na talaga ang best friend ko, mukhang malabo na magkikita kami dahil ang day off namin ay hindi sabay. And about my family, I cut off my connections with them for a while, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na buntis ako. Siguro nag-aalala na sila sa akin dahil ilang linggo na kaming hindi nagkakausap. O siguro nag-aalala sila na wala nang magpapadala ng pera... Binaling ko na lang ang aking masamang iniisip. Sa gitna ng pag-aayos ko ng mga papeles ay may kumatok, "come in." Seryo