Kabanata 14 "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko kay Liham. Tumingin siya sa akin, "that's a surprise." He grinned, tumigil ang sasakyan niya sa isang flower shop, binaling niya ang tingin niya sa akin. "Stay inside." Bumaba na siya sa kanyang kotse at gaya ng utos niya ay nanatili akong nakaupo sa passenger's seat, sinundan ng tingin ko si Liham na pumasok sa flower shop, may isang matandang babae naman ang lumapit. Pinagmasdan ko si Liham na seryosong nagsasabi ng gustong kunin na bulaklak, doon ko napansin na sa akin lang siya ngumingiti at hindi nagiging seryoso, the thought of it made me feel happy. Matapos ang ilang sandali ay nagbayad na si Liham at saka ang matandang babae naman ay nag-ayos ng bouquet, pagkatapos ay kinuha ni Liham ang mga bulaklak at umalis na, binuksan niya ang