Kabanata 111 "Daddy, saan tayo pupunta?" Tanong ni Levitrei habang nag-eempake kami ng kanilang gamit, tapos na kaming mag-empake ng aming gamit, si Mama naman ay nagpaiwan na lang dahil sinabi niyang wala siya sa lugar upang sumama at isa pa'y tumatanda na siya. I just let her since that's what she said, at alam kong gusto niyang magkaroon kami ng quality time na sariling pamilya. "We're going out, just like what I promised. Remember?" Ngumiti si Liham sa kanilang dalawa, kumislap naman ang mata ng dalawa at nagkatinginan. "Yay! Makakalabas na rin kami sa wakas!" They cheered out, tumakbo ang dalawa at yumakap sa kanilang ama, "thank you, daddy!" Seeing how happy they were, alam kong may pagkakamali ako sa pagpapalaki sa kanila. I was too afraid, na baka may mangyaring masama sa kani