Kabanata 106 Nagpasalamat ako kay Alexander dahil sa pagpayag sa truce namin, pagkatapos ay bumalik na kami sa La Mayor, sa mansion ni Liham. Lalabas na sana ako ngunit nanatili si Liham sa loob, "bakit?" Tanong ko. "I don't wanna show myself to our twins..." May lungkot sa kanyang boses, "not like this." "Liham, I know it's you. Huwag ka ngang mabahala, tiyak matutuwa pa sina Levitrish at Levitrei kapag makita ka nila." I encouraged, he gave me a look before he nodded. Lumabas na rin siya sa kotse, pagkatapos ay umakyat na kami sa mansion, I stopped in front of our twin's room, "nga pala, meron si mama." "Your mother?" I nodded. Biglang namutla si Liham na tila kinakabahan. "Ano ka ba, hindi ka naman kakainin ni mama." I chuckled, "saka isa pa, mabait iyon. Tiyak gusto ka pa niya