Kabanata 93 "Take Killua and mend his eye." Utos ni Noah sa isang tauhan na agad namang sumunod at inalalayan si Killua palabas ng silid, tinignan niya si Capo, "calm down, okay? Calm down and take a rest. Go." Umigting ang panga ni Capo na tila pinipigilan ang sariling galit at sumunod ngunit halatang labag sa loob, lumabas na rin siya. Ako naman ay nanatiling nakatayo lang na tila isang estatwa, hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon, pero ano nga ba ang magagawa ko... Alam kong kasalanan ko rin itong nangyari, nagawa ko pang maging thankful dahil malayo sa panganib ang kambal ko sa gitna ng maraming inosenteng buhay ang nawala. This might be selfish of me, pero sa dami ng mga rebelasyon na nangyari ay hindi ko maiwasang maging doubtful sa lahat. Hindi ko na alam kung ano pa ba da