Kabanata 79 Gumising ako -or should I say, mas lalo akong hindi makatulog. Ilang oras na siguro ang nakalilipas, madilim pa rin ang kalawakan na natatanaw ko mula sa bintana ng silid, naririnig ko pa ang bawat paghampas ng alon sa buhangin. It's cold down there, wala pa siyang dala-dalang kumot. Paano kung magkasakit siya? Wala sa sarili akong bumangon, I found myself slipping my feet into the soft bunny slippers, lumabas ako sa aking kwarto at tumungo sa hagdanan, madilim ang paligid, bumaba na ako at tinunton ko si Liham sa salas. "Liham?" Pagtawag ko sa kanya. Walang sumagot. Mabilis naman akong nakaramdam ng takot, agad kong hinanap ang switch ng ilaw upang maging maliwanag ang madilim na silid, nang nahanap ko na'y agad na naging maliwanag ang paligid. My eyes darted the entire p