“Sigurado ka na ba riyan?” si Auntie Miracle na matamang nakatitig sa akin. Namangha ako sa nagbabadya niyang mga luha. I quickly walked to her and wrapped my arms around her. Marahan niyang tinapik ang aking likod. Sa pagbabalik sa isla ay hindi ko inaasahang makita sina Uncle Steve at Seyer. Ayon pa sa kanila ay nasa byahe na rin si Uncle Matt para rin makausap ako. Anila ay kasama niya si Rowan na kahit papaano ay mas maayos na ngayon. Ganoon din ang pamilya niya. I just explained to them how my conversation with Sirius went well. Tingin ko ay maayos naman talaga. He will be waiting for me, too. Ipinakita ko na rin ang mga papeles na ibinigay sa akin ni Sirius. “Sigurado ka na ba riyan?” si Seyer na nagtaas ng dalawang kilay sa akin. I smiled with a pursed lips. Bumagsak din ang