Kabanata 40 "It's a very rare case." Boses ito ni Lastrel. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang mga hologram. Nasa laboratory siguro kami sa ilalim ng klinika ni Lastrel. Hindi gaanong malinaw ang aking paningin kaya naman muli akong pumikit. Minsan kasi, kailangan ding mag-adjust ang mga mata at hindi binibigla. May mga bagay talaga na dapat ganoon. Hindi dapat binibigla. Dapat dahan-dahan para hindi masakit. "My wife is awake." Boses ito ni Machina. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Johnny, "Lastrel, I'll f*****g put a virus to Machina's system if she doesn't stop calling mi amore as my wife. She's the real b***h, this Machina." "Young master, iyon kasi ang pangalan na tinawag mo sa kanya. Iyon na ang tumatak na codename niya sa system ni Machina. Hindi na pwedeng baguhin."