Kabanata 43 Mabilis kong hinanap si Arson. Since I recovered my memories already, hindi na ako nahirapan pa para alamin ang kanyang tambayan. Lumabas ako sa mansion, kulang na lang ay kumaripas ako ng takbo ngunit may dinadalang-tao ako. Tumungo ako sa likod ng mansion kung saan makikita ang hardin. This is where we usually meet after I got married with John. Pumasok ako sa loob ng labyrinth, naalala ko noon. Lagi kaming nagkikita dito kasi alam namin na walang makakakita sa amin tuwing gabi. John knows that I'm secretly seeing his brother. Hinayaan lang niya ako. I was thankful for that. Pero dumating siya sa punto noon na igapos na ako't itali sa kama para hindi makaalis. That's how possessive John became... Nang nasa loob na ako ng labyrinth ay nilakad ko ang rutang sinasaad ng isip