Kabanata 28 Kasabay ng putok ng baril ay ang pagluhod ni Elize, umubo siya ng dugo, natamaan ang likod niya ng bala, tumingin kami sa pinanggalingan ng bala at nakita si Lastrel. Pawisan na siya, masama siyang tumingin kay Elize. "You just broke our mafia's code of conduct." Kinasa muli ni Lastrel ang bala ng baril niya at tinutok ito kay Elize na ngayon ay umiiyak na sa sakit. "Any reasons you have won't justify your attempt to kill Young Mistress." "Shame, what a useless bitch." Umiling na lang si Lassandro kasabay ng pagtalon niya mula sa butas ng barko kung saan siya pumasok, bigla na lang siyang lumipad pataas. Ay, nakahawak pala siya sa isang ladder na nakakonekta sa helicopter na pinagmulan niya. "f**k. I won't let you escape the next time." Kinuyom ni Johnny ang kamao niya kasa