Kabanata 37 Tugtog ng musika at mga kumikitap-kitap na ilaw ang sumalubong sa amin ni Johnny sa labas ng mansion kasabay ng tawanan ng mga tauhan. Gaya namin ni Johnny ay naka-pormal din silang suot. Bumaba kami ni Johnny mula sa porch, agad namang yumuko lahat ng tauhan nang nakita kaming dalawa bilang pagpapakita ng respeto. "Enjoy the night." Tanging saad ni Johnny, "we're having heirs!" Sigawan ang sumunod. Ako naman ay tila may naamoy na masarap, agad akong humiwalay kay Johnny at tumungo sa bangketa ng mga pagkain sa gitna, kumislap ang mata ko nang nakita ang mga samo't saring potahe. Tila agad akong nanlaway pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang ham! Agad kong kinuha ang buong plato nito at nagsimulang lantakan. "Mi amore, I told you before, huwag kang lalayo sa akin." Bigl