Kabanata 17 Nakangiti akong bumaba sa hagdanan mula sa ikalawang-palapag, si Curly Fold naman ay nakasunod sa akin na tila may hawak akong kawal na nakatali sa kanya. Naglakad ako papunta sa entablado kung saan naroroon si Black Dicky, iyon na ang pangalan ng pusa dahil itim ang balahibo niya at may t**i siya. Hehehe. Sumunod naman si Johnny sa aking likod, lahat ng mata ay nakatingin sa aming dalawa. Lahat ng tao ay tahimik lang. Tanging ang tunog ng mga takong lang namin at hakbang ang umaalingawngaw sa paligid. Tumigil ako sa harap ng babaeng emcee, "hello sa iyo. Akin na si Black Dicky." "What?" Kumunot ang noo ni Johnny. "Akin na, dali!" Saad ko sabay turo sa pusang nakakulong. "Meow." Tila naiinip na ring saad ni Curly Fold. Tumango na lang ang emcee at tumingin kay Johnny, "S