Kabanata 2
Puppy Eyes
"Johnny! Johnny! Johnny! Johnny!!!"
Kumunot ang noo ni Johnny habang nakatanaw sa bintana ng kotse, halata ang inis na nakapaskil sa kanyang mukha. Si Curly Fold naman ay ngumiyaw habang hinahaplos ko ang kanyang kulot na balahibo, pinagmasdan ko ang kanyang mga mata, ang kanan ay pula at ang kabila naman ay asul. Ang ganda talaga ni Curly Fold!
Manang-mana sa akin. Pareho kaming may heterochromia. Ang kanang mata ko rin ay pula at ang kabila naman ay asul, parang si Curly Fold lang.
Kaya naman agad ko siyang binili noon sa kauna-unahang auction na dinaluhan ko sa Black Market. Isang bilyon ang kanyang halaga. Kaya naman sobrang galit si papa dahil sa laki ng pera na ginastos ko.
Ever since, hindi na ako pinayagan ni papa na dumalo!
Anyways, alam kong hindi pansin iyon ni Johnny-na magkaiba ang kulay ng mata ko-dahil may contact lens ako na kulay itim. Mas mabuti na iyon. Baka matakot pa siya, sa ganda ko namang ito?
Actually, pareho namang kulay asul ang mga mata ko noong bata pa ako, pero na-infect daw ang kanang mata ko kaya naging pula ito. Nagkaroon ng infection ang dugo ko at ito ang naging resulta. Matapos ma-infect ang kanang mata ko, naging kakaiba na ang eyesight nito. My right eye can see in the dark.
Anyways, back to reality.
"Johnny? Johnny Deaf?"
Lumabi ako dahil hindi pa rin ako pinapansin ni Johnny. May nagawa ba akong masama sa kanya? Dahil ba sa imbes sana na kay Curly Fold siya ikasal ay sa akin? Huwag mong sabihin na na-love at first meow siya sa pusa ko?! Oh, my p***y!
"Johnny! Johnny Apple!"
Lumingon siya mula sa passenger's seat at pinanlisikan ako ng tingin, "it's f*****g Hamle, Ham-ley. Stop calling me names." Pagtatama niya sa akin.
Mahina namang humalakhak si Lastrel na nagmamaneho.
"Shut the f**k up." Singhal ni Johnny kay Lastrel.
"Yes, Young Master." Umakto si Lastrel na tila zini-zipper ang bunganga.
Lumingon si Johnny sa akin mula sa passenger's seat, "can't you do the same and f*****g shut up?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Aba, kanina ka pang mura nang mura, ha?" Sinamaan ko siya ng tingin, "hindi mo ba alam na may bata tayong kasama?!" Sabay turo kay Curly Fold. "Paano kung magsalita rin siya ng masama dahil sa iyo?"
"Fuck." Tinakpan niya ang kanyang tenga, "f*****g lower your voice! You speak so loud! Hindi ako bingi, tangina!"
"Tangina mo rin!" Pinanlisikan ko siya ng mata, "f**k you rin! With feelings! Hindi ka ba nakakaintindi? Ang sabi ko may bata tayong kasama! Punyeta!" Tinakpan ko ang tenga ni Curly Fold.
Tuluyan nang humagalpak sa tawa si Lastrel, sabay kaming tumingin nang masama ni Johnny sa kanya, he raised both his hands in surrender for three seconds before putting them back on the stirring wheel.
"Nakahanap ka na ng katapat, Young Master." Ngumisi si Lastrel kay Johnny.
Johnny crossed his arms, sumandal siya sa leather backrest at muling bumalik sa pagtanaw sa labas. Mula sa aking pwesto naman ay kitang-kita ko ang side mirror ng kotse, mula roon ay nakita ko ang mukha ni Johnny.
May makapal siyang kilay, ang kanang bahagi ay may hiwa lang sa dulo, he has those chinky jet black eyes, they were so dark that they almost remind me of a black hole of a universe. There was nothing there. O, ha, o, ha! Ang lalim ko talaga ngayon! Yes! I'm so deep! Hihihi.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang mukha mula sa repleksyon, dumako ang tingin ko sa kanyang matangos na ilong, pababa sa kanyang mapupulang mga labi.
Delicious! Yummy! Ulam na ulam! Pak na pak! Kulang na lang kanin! Nakakalaway! Sarap!
"Curly Fold, nagugutom ako."
Ngumiyaw si Curly Fold bilang sagot, hinaplos ko ang kanyang balahibo, literal na kumukulo na ang aking tyan. Hindi pa kasi ako kumakain ngayong araw na ito.
"Johnny."
"What?" Iritadong tanong niya.
"Pwede bang kumain muna tayo sa pinakamalapit na restaurant? Gutom na kasi ako e." Lumabi pa ako at nag-puppy eyes, labag sa loob ko syempre dahil ayoko mag-puppy eyes, gusto ko mag-cat eyes pero hindi ko alam kung papaano.
Tumingin si Johnny kay Lastrel na abala sa pagmaneho ng kotse, "you heard her."
Nanlaki ang mata ni Lastrel, "Young Master, tama ba ang aking narinig?"
"f**k, alam mong ayaw na ayaw kong inuulit ang aking sarili." He growled.
"Okay, Young Master." Ngumiti si Lastrel at mas binilisan pa ang pagtakbo ng kotse, ang mga nakasunod namang mga kotse sa aming likuran ay sumabay din sa bilis, mga tauhan sila ni Johnny.
Tumigil kami sa pinakamalapit nang restaurant, ito ay ang Deluxé Restaurant, kumislap ang mata ko dahil sa tuwa. Sumunod naman ang iba pang mga tauhan ni Johnny, tila hindi nagkasya lahat sa parking lot dahil sa rami kaya naman sa labas na lang ng resto ang iba nag-park, tumingin si Johnny kay Lastrel.
"Assign men to guard the parameter." Utos niya. "We will be having a small detour."
Lastrel nodded.
Johnny looked at me, "let's go." Hinawakan niya ang libreng kamay ko na hindi nakahawak kay Curly Fold at naglakad na papasok ng restaurant. Mula sa likod namin ay may ilang mga tauhan na nakasunod.
Nang nasa loob kami ng resto ay sinalubong kami ng mga waiters at waitresses, yumuko silang lahat. May isang babae ang lumapit, "hi Sir, hi Ma'am, I'm Mariel, nakapag-reserve po ba kayo ng table?"
Kumunot ang noo ni Johnny, "hindi."
"Sorry po, wala po kasing available table, lahat po na-reserve na." Sagot ng babae habang malagkit na nakatingin kay Johnny, sa sobrang lagkit pakiramdam ko lalabas na ang mata niya at didikit kay Johnny.
Lumapit si Johnny sa babae na naestatwa naman, "putangina, pake ko kung wala nang bakante? I can buy this whole restaurant if I f*****g want, I can even buy you, you f*****g bitch." Tila napahiya ang babaeng umurong.
Mabilis akong lumapit kay Johnny at hinampas siya mula sa likod ng kanyang ulo.
Masama siyang tumingin sa akin, "why the f**k did you do that?!"
"E bakit mo rin sinabi iyon sa kanya? Hindi mo ba alam na nakasakit ka ng damdamin ng isang tao? Ang sakit mo magsalita, alam mo ba? Kung hindi, now you know!"
Kumuyom ang kamao ni Johnny.
"Pasensya na po." Tumingin ako sa babae, lumunok naman siya at yumuko. "Ikaw talaga, Johnny! Pinaglihi ka siguro sa sama ng loob at masasamang salita."
"Tangina."
"Tangina, tumigil ka na pwede ba? Si Curly Fold, baka mamaya magsalita na rin ng masama dahil sa iyo!"
Johnny hissed, "gutom ka na ba talaga?"
Tumango ako.
Tumingin si Johnny sa babae, "the tables were f*****g reserved, right?" Tarantang tumango ang babae. "At least the foods weren't, bibilhin ko ang lahat ng available menu, when I say all, I mean all. Deliver them at my place, Silician Empire."
Tumingin si Johnny kay Lastrel, tila sapat na ang tingin na iyon at naglabas si Lastrel ng paycheck at nilahad iyon kay Johnny.
"Two hundred thousand, tell the management to keep the change." Nagsulat si Johnny sa paycheck at saka binigay ito sa babaeng natulala.
Tumingin si Johnny sa akin, "uwi na tayo." Muli niyang binaling ang atensyon sa babaeng tulala na ngayon habang nakahawak sa paycheck, "I'm warning you, lady, I hate waiting. So don't frigging make me wait."
With that, he held my free hand again and walked out of the restaurant.