4

1038 Words
Kabanata 4 Mi amore "Next time, don't f*****g say that again." Umuubong saad ni Johnny, nabilaukan ba siya? Ang tanga naman ng lalaking ito, pati ata paglunok ng pagkain hindi marunong? "Say what?" Lumabi ako dahilan upang umalon ang mansanas sa kanyang leeg. "Na masarap ka." Umiwas siya ng tingin at saka sumubo ng spaghetti na may tomato sauce, may salsa na naiwan sa gilid ng labi niya kaya naman tumayo ako mula sa aking silya, kumunot naman ang noo niya at akmang magsasalita nang pinunasan ko ang dumi roon gamit ang aking hintuturo, "are you seducing me?" He said in a low voice as he stared at my-tumingin ako sa direksyon kung saan nakatitig ang kanyang mga mata-breast? "Oy, oy!" Ngumisi ako at mabilis na bumalik sa upuan, "nililibugan si Johnny, oy!" Pumalakpak pa ako na tila isang pumapalakpak, malamang sa malamang. He scowled. "I'm done eating. I lost my appetite." "Gusto mo hanapin ko?" Tanong ko habang nilalamon ko ngayon ang lobster. "What?" Mas lalong kumunot ang noo niya. "Hindi ba sabi mo you lost your appetite? Nag-o-offer lang naman ako kung gusto mong hanapin ko. Hehehehe." Kinalmot ko ang batok ko dahil medyo slow din minsan ang isip ni Johnny. Alam kong walang konek sa ginawa ko pero kailangan ba dapat lahat ng ginagawa ay konektado? "Meow." Napatingin kaming dalawa ni Johnny kay Curly Fold nang ngumiyaw siya, ubos na niya ngayon ang laman ng plato. "Hindi ka pa kontento?" Tanong ko. "Meow." "What did the cat say? Is she still hungry?" Seryosong tanong ni Johnny, minsan talaga mapapasampal ka na lang sa sarili mong mukha dahil sobrang halata na nga ng tanong, tinatanong pa. "Tinatanong mo kung ano ang sabi ni Curly Fold? Malamang 'meow', alangan naman na um-oo o hindi ang pusa? O sabihin na 'oy bessy, gutom ako'. Ikaw talaga, Johnny, hindi mo ginagamit utak mo. Kapag hindi mo ginagamit, ibenta mo na! Magkakapera ka pa! Hehehehe." "Are you insulting me?" He said using the coldest voice he can manage. "Hindi naman, nagsasabi lang ng totoo." Ngumiti ako sa kanya at saka ko hinaplos ang buhok ni Curly Fold, "ikaw talagang p***y ka, ang taba-taba mo na naman dahil ang dami mong nilamon na-" tumingin ako kay Johnny, "ano ang pinakamarami sa kinain ni Curly Fold na gulay?" "Talong." "Ikaw talagang p***y ka! Ang dami mong nilamon na talong!" Saad ko kay Curly Fold sabay iling, "grabe ka. Hindi ka pa kontento?" "Pfft." A sly smile formed on Johnny's lips, nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis na napawi ang ngiti niya, "finish your food so we can rest." "Teka, ang daming mga pagkain! Paano ko sila mauubos?" Sabay turo sa mga pagkain sa paligid, "grabe ka naman kasi kung makabili ng mga pagkain, alam kong nangako ka na bubusugin mo si Curly Fold pero huwag naman sanang sobra-sobra. Gagawin mo pa siyang obese." Sabay turo kay Curly Fold na sobrang laki na ng tyan. "Kakainin na lang ng mga tauhan ang tira." Aniya. Tumango naman ako, "kakainin din ba nila ako?" "What the f**k?!" Hinilot niya ang sentido ng kanyang matangos na ilong. "Kung may kakain man sa iyo, ako lang iyon." Masama niya akong tinignan. "Pass, bes." Sagot ko sa kanya. "Maraming nagugutom na iba, Johnny! Ikaw nga mukhang busog na tapos kakainin mo pa ako? Give chance to others especially those who are hungry! Share your blessings!" "Too bad, you're not a blessing but my own property so I won't share you, you're f*****g mine so f*****g shut that smart mouth of yours before I-" "Teka, paano naging smart ang mouth? Hindi ba pwedeng globe na lang? Hehehehe." "Aysh!" Halata ang inis sa mukha ni Johnny, "kumain ka na lang, pwede?!" Tumango ako at sumunod. Nang naramdaman kong puno na ang aking tyan at busog na ako'y uminom na ako ng banana smoothie, duminghay naman ako kasabay ng pagluwag ng aking sikmura. "Grabe, ang sarap talaga." Nakangiting saad ko. "Pero syempre, walang mas sasarap pa sa akin." "Sometimes, I think you're too innocent or you're faking it, but whatever it is, careful with your words, mi amore. You don't wanna play with the devil inside this devil." He snarled. Hindi ko alam pero nang tinawag niya akong mi amore ay tila bumilis ang pintig ng aking puso. Ang sarap lang pakinggan kapag siya'y mag-alien language. Nagmumukha siyang alien sa aking paningin. Sobra pa naman ang paghanga ko sa mga alien. Ramdam kong bumibigat na ang talukip ng aking mga mata, "inaantok na ako." "Okay, let's go to our bedroom." Aniya sabay tayo, binuhat ko naman na si Curly Fold at sumunod na kay Johnny, umakyat kami sa mansion at tumigil sa harap ng pinakadulong pinto, "this will be our bedroom." "Paano si Curly Fold?" "Dito na lang muna siya sa labas, papagawahan ko siya ng kulungan." He offered. Dahil naman dito ay mabilis akong lumayo sa kanya at saka siya sinamaan ng tingin. "What?" He frowned. "Bakit mo naman papagawahan ng kulungan si Curly Fold? Nagkasala ba siya? Nakapatay ba siya? Sabihin mo! Hindi naman, 'di ba? Hindi ako papayag na makulong si Curly Fold nang walang laban! I shall seek a lawyer!" Pinanlisikan ko ng mata si Johnny. "Enough with your stupidity, just whatever, do what you want with that f*****g cat, I'm sleepy." Pinihit niya ang busol ng pinto ng kwarto. "You're Sleepy? Akala ko ba ikaw si Johnny?" "Aysh!" Ginulo niya ang sarili niyang buhok, "everytime you open that mouth of yours, you babble nonsense and bullshit!" He hissed as if he was frustrated already, "matutulog na ako!" Padabog siyang naglakad papunta sa loob, ako naman ay sumunod na rin, awtomatikong nagsara ang itim na pinto, binaba ko naman na si Curly Fold sa marmol at pinampag ang suot na damit upang matanggap ang kumapit na buhok niya. Agad namang nakahanap ng pwesto si Curly Fold at siya'y humiga sa sofa. Si Johnny naman ay naghubad hanggang sa naka-boxer na lang siya. Humarap siya sa akin at tumumbad sa akin ang kanyang malapad na katawan. Yummy, bes. "Let's sleep, mi amore." "Sige, alien!" He scowled. "f*****g what?" "Nag-e-alien language ka e kaya alien ka na para sa akin from now on, forever and ever!" Amen! "I'm speaking Italian and mi amore is an endearment which means my love." He explained. "Sige, italian na lang ang itatawag ko sa 'yo! Hehehehe." "No, just John." "Okay, Just John." "f*****g John Only!" "Okay, John Only." "Aysh!" He scowled, "Johnny." "Tignan mo! Gusto mo rin naman pala ang Johnny! Pakipot ka pang pabebe ka!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD