bc

Operation Move On

book_age4+
672
FOLLOW
1.4K
READ
self-improved
boss
comedy
bxg
lighthearted
city
small town
self discover
slice of life
naive
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal... nasaktan... nag-move on? Move on... iyan ang palagi kong naririnig sa mga tao.

Pero gaano ba kadaling mag-move on? Madaling sabihin pero mahirap gawin.

Panoo ba kalimutan ang isang taong naging malaking parte ng buhay mo?

Paano ba magsimula ulit at tumayong muli matapos madapa?

Gaano ba kadaling kalimutan ang sakit na dulot ng pag-ibig?

Makaka-move on ka ba kung sakaling may magturo sa'yo kung paano gawin 'yon?

Paano kung 'yong taong 'yon din ang magtuturo sa'yo kung paano magmahal muli?

Handa ka bang sumubok at masaktan muli?

Find out how Geraldine Cervantes will move on after all the heartaches. And how did John Dexter Torres teach her how to move on?

Let's learn the lessons of moving on.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Broken Hearts
“Just because they were beside you since the beginning, don't expect them to be there until the end.   Geraldine HINDI MAALIS ang ngiti sa mga labi ko habang naglalakad dito sa park. Pa-sway-sway pa ang mga kamay ko at halos hindi na nga lumalapat ang aking mga paa sa lupa. Para akong nakalutang sa hangin dahil sa sobrang excitement. Magkikita kasi kami ng pinakamamahal kong boyfriend. May usapan kaming magkikita sa park na lagi naming pinupuntahan. Ganoon siguro talaga kapag mahal na mahal mo, kahit isang araw pa lang kayo hindi nagkita o kahit isang oras pa lang, miss na miss mo na. Malayo pa lang, natanaw ko na siyang nakaupo sa mahabang silya na naroon sa park. Matiyaga siyang naghihintay sa akin. Parang gusto ko nang takbuhin ang kanyang kinaroroonan para mahawakan at makasama ko na siya. Tumigil muna ako sandali sa paglalakad. Mga ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kanyang kinaroroonan. Pinagsawa ko muna ang mga aking mata para titigan siya. Ang guwapo naman kasi talaga ng boyfriend ko. Singkit ang mata niya, matangos ang ilong at may mapupulang labi. Maputi rin siya, matangkad at magaling pumorma. Puwede nga siyang maging artista. Pero ayaw niya baka raw lalo siyang pagkaguluhan ng mga babae. Ang hangin, `no? Ganoon talaga siya pero loyal siya sa akin kahit maraming girls na nakapaligid sa kanya. Walong taon na kaming magkarelasyon ni Paolo. Boyfriend ko siya since fourth year highschool. Ultimate crush ko siya mula noong first year. Kaya naman kilig na kilig ako noong nanligaw na siya sa akin noong third year na kami. Pero s'yempre pakipot ng konti, kaya fourth year na kami nang sinagot ko siya. Sa tagal ng relasyon namin, kasal na lang ang kulang. Hinihintay ko na nga lang mag-propose siya sa akin. Hindi kaya ngayon na ang araw na magpo-propose siya sa akin? Iniisip ko palang tumatalon na ang puso ko sa saya. Matapos akong makuntento sa pagtitig sa kanya buhat sa `di kalayuan, dahan-dahan na akong lumapit sa kanya. Nagtungo ako sa likuran niya at `di man lang niya iyon namamalayan. Tinakpan ko ang kanyang mga mata ng aking dalawang palad. Hinawakan naman niya ang aking mga kamay at inalis sa pagkakatakip doon. "Gerry, alam kong ikaw `yan," sabi niya sa mahina at seryosong tinig. Bahagyang kumunot ang aking noo sapagkat hindi naman ako madalas tawagin ni Paolo sa palayaw ko.  Geraldine Cervantes ang tunay kong pangalan pero Gerry ang palayaw ko. Kapatid ko at mga malalapit na kaibigan lamang ang tumatawag sa akin sa ganoong palayaw. Baby naman ang tawagan naming dalawa kaya nakakapagtaka. At isa pa, parang ang seryoso niya ngayon? Binalewala ko na lang sa aking isip ang pagtataka. Baka kasi wala lang talaga siya sa mood o baka may konting problema lang sa trabaho o baka pagod lang siya. Inalis ko ang aking mga kamay sa kanyang mga mata saka mabilis na hinalikan ang pisngi niya. Abot hanggang tainga ang aking ngiti nang batiin ko siya. "Kilala mo na talaga ko, ha?" Umupo ako sa tabi niya. Humawak ako sa braso niya saka sumandig sa kanyang balikat. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakasandig sa kanya. Pasimple ko pang sinisinghot ang amoy ng pabango niya. Saulo ko na ang amoy niya dahil galing din sa akin ang pabangong gamit niya pero nakapagtataka dahil iba ang amoy niya. Mabango pa rin pero mukhang iba ang ginamit niyang pabango. Hindi ang ibinigay ko. "Kanina ka pa ba?" malambing na tanong ko sa kanya. "Hindi naman. Halos kararating ko lang din." Tumingala ako para tingnan siya at lalong kumunot ang aking noo sapagkat wala man lang akong nakitang ngiti sa kanyang labi. Malayo ang kanyang tingin at parang ang lalim ng iniisip. "Baby, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko pa ang noo at leeg niya. "Wala," simple at malamig na tugon niya. Iniiwas pa niya ang kanyang mukha na para bang iretable siya sa paghawak ko sa kanya. "May problema ba?" Makailang ulit siyang bumuntong-hininga saka nagsalita, "Gerry, take this." Inabot niya sa akin ang isang bilog na kahon na kulay sky blue. Medyo may kalakihan ang kahon. Agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang mga regalong ibinigay ko sa kanya noon. Halos lahat maliban sa mga damit at sapatos. Narito ang mga cards, pictures, bracelets, singsing at kuwintas pati na rin ang mga sulat ko sa kanya. Agad na sinalakay ng kaba ang aking dibdib at napawi ang mga ngiti sa labi ko. Nagtatanong ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya, Bakit mo binabalik sa akin lahat ng ito? Anong ibig sabihin nito? At hindi ko pa man naisasatinig ang mga katanungang iyon ay muli siyang nagsalita, "It's over, Gerry. Break na tayo." Napaawang ang mga labi ko sa labis na pagkabigla. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Napabitiw ako sa pagkakahawak sa braso niya. "B-break?" Parang hangin lang na lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Para akong sinasakal at naninikip ang dibdib ko. Tila may maliliit na karayom ang tumutusok sa loob nito. Hindi ako makapaniwalang narinig ko iyon mula kay Paolo. Nabigla ako sa sitwasyon at para bang hindi agad ito nag-sink in sa utak ko. Umiwas siya nang tingin sa akin na para bang iniiwasan niyang makita ang mga luha ko na nais nang kumawala sa aking mga mata. "I'm sorry, Gerry but I think I fell out of love with you." ‘I think I fell out of love with you!’ ‘I think I fell out of love with you!’ ‘I think I fell out of love with you!’ Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga salitang iyon. Paulit-ulit kong naririnig na waring nag-e-echo pa sa loob ng tainga ko. Nakakabingi, nakakatorete. Nananaginip lang ba ako? Totoo bang naririnig ko mula kay Paolo ang mga salitang iyon? Hindi ako makapaniwala. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa malayo kaya't hindi ko man lang mabasa kung ano ang nasa isip niya nang mga oras na ito. Pinipigil ko pa rin ang aking mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak. Ayaw kong tanggapin na totoo ang lahat ng sinasabi niya. Nais kong isiping nagbibiro lang siya. "I-ikaw talaga, Baby, ginu-goodtime mo na naman ako, ha? Joke time!" Hinampas ko siya nang mahina sa braso saka pilit akong tumawa kahit ang pakiramdam ko may nakabara sa aking lalamunan. "I'm sorry, Gerry but this is not a joke. We're over." Tumayo siya at aktong hahakbang pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. "B-bakit? Please tell me why?" "Nasabi ko na sa’yo. Hindi na kita mahal." Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at humakbang na siya palayo. ‘Hindi na kita mahal! Ganoon lang ba kadaling sabihin iyon para sa kanya? Nag-una-unahang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang sakit na nararamdaman ko. Nanginginig ang aking mga tuhod at gulong-gulo ang utak ko. Maraming tanong na sunod-sunod na pumapasok sa isipan ko. Nangangailangan ng kasagutan ngunit ang lalaking matagal kong minahal ay walang paliwanag at basta na lang nang-iwan. Sinabing hindi na ako mahal pagkatapos ng walong taong aming pinagsamahan. Hinabol ko siya at muling hinawakan ang kanyang braso. "You can't do this to me. Please don't go." Pagmamakaawa ko sa kanya. He is my first boyfriend. Long-time boyfriend. He is my first love, my first kiss, my happiness, and my life. Napatigil siya at tumingin sa akin. Hinawakan naman niya ang aking kamay at inalis sa pagkakahawak sa kanyang braso. "I'm sorry. Goodbye," aniya saka muling humakbang palayo. ‘Goodbye!’ ‘Goodbye!’ ‘Goodbye!’ Parang nag-echo sa pandinig ko ang salitang iyon. Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko habang minamasdan siyang papalayo. Nanghihina ang mga tuhod na napasalampak ako sa damuhan. Tinakpan ko ang mukha ko ng aking mga kamay at humagulgol nang ubod-lakas. Para akong batang inagawan ng laruan. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid at nakatingin sa akin. I'm so hurt at ang alam ko lang gusto kong umiyak nang umiyak.     Dexter   LUMABAS ako ng dental clinic para maglakad-lakad dito sa park. Katatapos lang ng opening ng pinagawa kong clinic.  Napagod na rin ako sa dami ng mga customer na agad sinubukan ang galing ng serbisyo ko bilang dentista. Naisip kong magpahangin muna. Maganda at maaliwalas dito sa park. Maraming bulaklak sa paligid at mga puno. Presko ang hangin at masarap langhapin. Nakakabawas ng maghapong stress. Nakakatuwa rin ang mga batang naglalaro at nagtatakbuhan. May mga nagbibisekleta rin at nagro-roller skate. Kakabilib ang isang kabataan na nag-exhibition pa. Kung teenager lang ako kaya ko rin iyon. Umupo ako sa isang bench na naroon at tumingala sa langit. Malapit na magdilim dahil mag-aalas sais na ng gabi. Napabuntong-hininga ako nang maalala ko si Dianne. Ang kaisa-isang babaeng minahal ko…  Nasa simbahan na ako at hinihintay ang aking bride. Excited na akong ikasal sa pinakamamahal ko. Humahangos na pumasok sa loob ng simbahan ang binatilyong si Ivan at lumapit sa akin. Kapatid siya ni Dianne. "K-kuya... k-kuya..." paulit-ulit nitong sabi. Hinihingal pa ito dahil sa ginawang pagtakbo. Hawak ang mga tuhod na hinabol ang kanyang hininga bago tumingin sa akin. "Oh Ivan, anong nangyari? Bakit ka humahangos?" Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "S-si A-ate D-Dianne..." nauutal siya at halos hindi makalabas ang tinig sa kanyang bibig. Bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalan ng girlfriend ko. "S-si A-ate... s-si Ate... naaksidente." Humagulgol ito pagkasabi ng mga katagang iyon. Si Dianne, naaksidente? Parang tumigil ang aking mundo nang marinig ko iyon. Napatulala ako at waring nagblangko ang isip ko. Ang tanging naririnig ko sa mga sandaling ito ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso. "N-nasaan siya?" halos hangin lang na lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. "S-sinugod n-na... s-sa h-hospital. P-pero ang s-sabi ng doktor, dead on a-arrival n-na raw," pahikbi-hikbi pang sabi nito. Patay? Hindi p’wede. Hindi siya patay! ‘I'm so excited. Sa wakas, magiging ganap na Mrs. Dexter Torres na ako.’ Wari'y narinig ko sa aking gunita ang huling sinabi ni Dianne kahapon habang magkausap kami sa telepono. Masayang-masaya pa siya. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Ikakasal kami ngayon, darating siya." Pinilit kong ngumiti at kalmahin ang sarili ko. Tumingin pa ako sa entrance nang simbahan at nagbakasakaling parating na siya. Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ni Ivan. Nag-iiyakan na rin ang mga tao sa paligid namin. Ang iba ay hindi din makapaniwala sa narinig at nagbubulungan ngunit hindi ko na halos maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Nakuyom ko ang mga kamao ko at nanginginig ang aking mga tuhod. Naramdaman ko na rin ang mga luhang dumaloy sa aking mga pisngi. Hindi ako p’wedeng iwan ni Dianne. Hindi ngayon! Hindi kailanman! Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng hospital. Sa pagkakatanda ko, si Mhike ang nagmaneho patungo rito.  Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo patungo sa morgue kung saan naroon ang bangkay ni Dianne. Napatigil ako sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad nang makita ko ang mga magulang ni Dianne na umiiyak sa harap ng bangkay nito. Inaalo ni Tito Danilo si Tita Vicky, napatingin sila sa akin nang makalapit ako. "Dexter." Agad akong niyakap ni Tita Vicky.  "Si Dianne... w-wala na si Dianne." Humagulgol ito na dahilan para dumaloy rin ang masaganang luha mula sa mga mata ko. Ginantihan ko ito nang yakap, pagkuwan ay binalingan ko ang kasintahan kong wala ng buhay na nakahimlay ngayon at balot ng puting kumot. Nanginginig ang mga kamay kong inalis ang kumot na nakatakip sa mukha nito. Bakas sa mukha nito ang tindi ng pinsalang natamo nang dahil sa aksidente. Maputla na ang mga labi nito at nangingitim ang mga pasa sa mukha. May mga sugat rin ito. "Bakit ngayon pa, Dianne? Bakit ngayon mo pa ako iniwan?" Hindi ko matanggap na ang babaing pinakamamahal ko ay narito ngayon sa aking harapan at wala ng hininga.  "Dianne!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na maisigaw ang pangalan niya habang yakap-yakap ang walang buhay n'yang katawan…  Waring nagbalik ako sa realidad nang makarinig ng hikbi mula sa hindi kalayuan sa puwesto ko. Pinunasan ko ang aking luha na hindi ko na namalayang tumulo na pala dahil sa pag-alala ko sa aking kasintahang si Dianne.  More than a year na mula nang mawala siya pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit nang kanyang pagkawala. Parang kahapon lang iyon nangyari. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng hikbi na iyon. Isang babaeng mahaba ang nakalugay na buhok, nakamaong pants at blouse na pinatungan ng maong na half-jacket. Nakasalampak siya sa damuhan at malakas ang paghagulgol na parang wala ng bukas. Dinadaanan at tinitingnan lang iyon ng mga tao. Pero mukhang wala iyong pakialam. Iyak lang iyon nang iyak na parang bata. Naisip kong lapitan iyon. Nakakaawa naman kasi.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook