SURPRISE TONYROSE JAYME NAKAPIRING ang mga mata ni Tony sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano na naman ang naisip na pakulo ni Craig dahil bigla lang siya nitong hinatak papasok sa mansyon matapos ang sweet moment nila kanina sa hardin. Well, not only sweet, but also passionate because they made out a little—okay—a lot! Hindi niya kasi mapigilan ang sarili lalo na at kasinggwapo ni Craig ang nasa harap. She can't resist him. Parang awtomatikong nag-iinit ang katawan niya kapag katabi ito. Mabuti na nga lang at nakapagpigil ang binata at nakontrol ang sarili kaya't bumalik na rin siya sa wisyo. Pagkatapos noon ay pinagbihis sila nitong lahat dahil may importante raw silang pupuntahan at kung saan iyon ay hindi naman sinabi ng binata. At heto nga siya ngayon, nakapiring ang mga mat