BACHELORETTE PARTY XX YEARS EARLIER... TONYROSE JAYME MALAKAS at sunod-sunod na tila nagmamadaling mga katok ang kumalampag sa maliit na bahay nila Tony. Sigurado siyang si Mira iyon o isa sa mga kaibigan niya. "Tiana, buksan mo na muna 'yung pinto," utos ng ina sa kapatid niyang si Tiana na kaagad namang sumunod dahil ilang saglit lang ay narinig niya na ang pagbukas sara niyon. "Good evening po," bati ni Hera na siyang nasa likod ng pinto bago tuluyang niluwagan ni Tiana ang pagkakabukas niyon. "Pasok ka, hija, pasok ka," anyaya ng kanyang ina habang maluwag na nakangiti. "Susuduin ko lang po si Tony, tita," paalam nito bago naupo sa kanilang maliit na sofa. "Sana 'wag saktan ng pinsan mong si Craig itong panganay namin. Mahal na mahal si Tony at hinding-hindi namin mapapataw