TONYROSE JAYME "ATE, kailan po kami pwedeng umuwi riyan? Ayoko na rito kila Archer," inis na sambit ni Tiana sa kabilang linya. Doon niya muna pinahatid ang mga kapatid kanina kay Leo. She knows it's a burden, but Leo insisted to do it. Habang nasa biyahe ay tinawagan niya na rin si Archer upang ipaalam dito na doon muna tutuloy ang mga kapatid niya at mabilis namang pumayag ang binata. Hindi pa siya handang sagutin ang mga tanong ng mga kapatid kahit pa alam niyang may kutob na ang mga ito sa totoong nangyayari. They've seen and met Craig two years ago and what a really small world we have because Craig is also the one who helped them. He's the one who donated platelets to Tegan and saved his life. Hindi niya rin kayang kontrolin ang sariling emosyon sa ngayon at alam niyang kahit na an