FERRIS WHEEL RIDE TONYROSE JAYME "ATE, come on. We have something to show you. Sobrang importante po nito," humahangos na sambit ni Tiana na bigla na lang sumulpot sa harap niya makalipas ang ilang oras na paglilibot ng mga ito. Kaagad na hinawakan nito ang kamay niya kaya't hindi niya na naproseso pa kung ano ang ibig sabihin nito. Hindi niya na rin nagawa pang kumontra o magtanong dahil mabilis siya nitong hinatak kung saan. Tila siya isang musmos na nagpatianod lang dito dahil sa bilis ng mga pangyayari. Saka niya na lang siguro tatanungin ang kapatid kapag huminto na sila sa paglakad at huminto na rin ito sa paghila sa kanya kung saan. Nakarating sila sa tapat ng napakalaking ferris wheel na siyang main attraction ng amusement park. Tuluyan na siyang binitawan ng kapatid kaya't pagka