Ika-19 ng Pebrero taong 2020, isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang magbabago sa buong mundo. Isang virus ang kumalat na nagsimula sa Pilipinas, at pinangalanan itong Mandella virus. Ginagawa nito ang mga tao na walang kaisip-isip na mga halimaw at pinapatay lamang ang mga tao na makakasagupa nito. Makalipas ang apat na taon, si Elle isa sa mga nakaligtas sa pangyayaring iyon ay payapang naninirahan sa isang komunidad na ligtas sa mga infected. Ngunit isang araw isang grupo ng mga tao na gustong mawala ang mga tao sa mundong ito ay pinasok ang matataas na pader ng komunidad at pinagpapatay ang mga naninirahan dito. Kasama ang grupo niya ay nakatakas sila sa mga panganib at may misyong halungkatin ang misteryo sa likod ng mga pangyayaring iyon.