Inangat ni Gabriel ang mukha ni Christine na basang basa na sa luha. Pinunasan niya iyon ng kamay niya. At dahan dahan siyang yumuko para halikan si Christine. Inilapat niya ang mga labi niya sa mata ni Christine. Napapikit ito. Natuwa si Gabriel nang maramdamang hindi ito umiwas. Pagkatapos ay sa tungki naman ng ilong ni Christine. Marahang marahan at mabilis na halik lang. At saka pa lang niya isinunod ang mga labi ni Christine at siniil ito ng halik. Kinabig ni Gabriel sa batok si Christine para lalo pang mapadiin sa kaniya ang bibig nito. Gumanti ng halik si Christine. Sa pagitan ng mga pag-iyak niya ay iniawang niya ang mga labi niya para tuluyan nang angkinin ni Gabriel. Hindi mapigil ni Christine ang mga luha niya tanda nang pagtanggap niya ng kahinaan niya. Dahil alam niya sa puso