Nagulat si Joseph sa ikinuwento ni Christine. Inakbayan niya ito saka inalalayan na makapasok sa loob ng bahay. Ayaw kasi niya na makakuha pa sila ng atensyon sa labas dahil nakatayo lang sila sa gilid ng taxi. Dumiretso sila sa kusina at saktong nandoon si Lourdes na naghahanda ng hapunan. “Ate! Okay ka lang ba?” Agad na lumapit si Lourdes pagkakitang umiiyak si Christine. “Okay lang ako, Lourdes. Pasensiya na kayo kung dito muna kami tutuloy ng mga bata.” “Naku ano ka ba ate, bahay mo naman ‘to.” “Tin, sigurado ka ba sa nakita mo?” Tinanong na ni Joseph si Christine ngayong nasa loob na sila ng bahay. Nakaupo na sila sa may dining table at si Lourdes ay nakatayo sa likod ni Joseph. “May problema ba ate?” Hindi napigil ni Lourdes na magtanong. “Huwag na lang sana makarating sa

