Alalang alala si Monique dahil nagising siyang umiiyak si Tristan. Pag salat niya sa noo ay napakataas ng lagnat nito. Tumingin siya sa orasan. Ala-siyete ng umaga. “Jepoy! Gising Jepoy! Dalhin natin sa ospital si Tristan, napakataas ng lagnat!” Nagising naman si Jepoy at mabilis na kumilos. Tinulungan si Monique na magbalot ng ibang gamit ni Tristan. Nag-message naman si Monique sa yaya na sa ospital na dumiretso. Pagdating sa emergency ay saka pa lang nakapag-message si Monique kay Christine. Monique: Christine, andito kami sa ospital, sa emergency room, mataas kasi ang lagnat ni Tristan. Update kita mamaya. Hindi pa niya nababasa...baka busy pa iyon. Makalipas ang isang oras ay lumabas ang mga lab tests ni Tristan. Kinakailangan niyang ma-confine dahil may dengue siya. Nag-iiya