Sa may sitio malapit sa UP Manila, maaga pa ay abalang abala na si Christine sa pagbabalot ng adobong mani. Inilalako ito ng kapatid niya sa loob ng UP campus na malapit lang sa tinitirhan nila.
“Jepoy! Bilisan mo na magbihis tapos na akong magbalot!” Tawag ni Christine sa kapatid niya.
Si Jepoy ay si Jeffrey Torres na nakababatang kapatid ni Christine. Sa edad na 12 years old ay sanay na ito sa hirap ng buhay at tumutulong sa ate niya sa araw araw para may pambili sila ng makakain. Bukod sa adobong mani ay nagtitinda din siya ng kendi, yosi, at ballpen. Ito ang mga patok na patok sa mga estudyante ng unibersidad.
Si Christine naman na ate ni Jepoy ay isang single mom. Bata pa ito nang aksidenteng mabuntis at pinilit naman na makabalik sa pag-aaral kaya lang ay hindi na nakatapos nang mamatay ang kanilang ama sa atake sa puso. Bata pa lang sila nang pumanaw ang kanilang ina. At nang nagdaang taon nga ay namatay naman ang kanyang ama, kaya naulila na silang dalawa ni Jepoy.
Bukod kay Jepoy ay binubuhay din ni Christine ang anak niya, na anak niya sa pagkadalaga. Si Tristan ay limang taong gulang. Bibong bata at napaka-guwapo. Hindi naman maalala masyado ni Christine ang mukha ng ama ni Tristan dahil madilim sa lugar ng party kung saan niya nakilala ang lalaking nakabuntis sa kanya at one-night-stand lang ang nangyari sa pagitan nila.
Habang sinasalansan ni Christine ang mga mani, kendi, at sigarilyo, napapatulala siya at naalala ang nangyari sa kanya five years ago. Siguro kung hindi nangyari sa akin yun, nakatapos na ako ng pag-aaral ngayon. Pero baka may plano lang talaga ang Diyos para sa akin...hindi ko naman pinagsisisihan na dumating si Tristan sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang anak ko.
Ang ama ni Tristan ay isang alumni sa UP. Tandang tanda pa ni Christine na noong gabi ng Alumni Anniversary five years ago ay dumalo din silang mga freshmen students dahil nagcelebrate sila ng pagkapanalo sa competition sa Japan.
Lima silang magkakaibigan na nagkayayaan na maki-upo sa mesa ng mga alumni. Masayang masaya ang gabing iyon dahil may nag-sponsor ng maraming alak na inumin. Magaling pa ang sikat na bandang tumutugtog. Kaya lahat halos ng nandoon ay nasa party mood. Hindi na nga niya matandaan ang itsura ng mga kasama niya sa lamesa dahil magulo ang lahat at masayang nagtatawanan at nag-iinuman. May tama na din siya ng alak kaya parang iba ang sayang nararamdaman niya ng gabing iyon.
Naalala niya na halos matumba yung lalaking tumayo at parang nasusuka kaya inalalayan naman niya agad dahil siya ang pinakamalapit dito. Ang hindi niya maintindihan ay kung paanong nang hatakin siya nito at halikan sa madilim na kuwartong iyon ay hindi niya napigil ang sarili niya. First time niyang mahalikan sa labi. Sa sobrang sarap humalik ng lalaking iyon ay parang nagkusa din ang bibig niya na gumanti ng halik. Nang ibuka ng lalaki ang bibig niya sa pamamagitan ng dila nito, ibinuka din naman niya at nakipaglaro din ang dila niya na parang may dinidilaang lollipop. At sariwa pa din sa alaala niya ang pakiramdam nang salatin ng lalaki ang p********e niya at laruin ito ng daliri. Hmmm...grabe ang sarap talaga nun. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Haay...kung palagi ko na lang iisipin iyon, wala din namang mangyayari. Malabo na din na makita ko yung lalaking iyon. Ni hindi ko man lang natanong kung anong pangalan. Hindi na nga ako sigurado kung ano ang itsura nun ngayon.
“Jepoy ano ba, tanghali na! Marami na ngayon estudyante doon sa gym!” Tinawag niya uli si Jepoy.
“Oo ate, eto na!” Sumagot si Jepoy at papalapit na sa kanya mula sa pagbibihis sa kuwarto nila.
Ang bahay nila ay maliit lang pero malinis. Pag-aari na nila ito, ang tanging pamana na naiwan ng mga magulang nila sa kanila. Mayroon itong dalawang maliliit na silid na sakto lang ang single bed sa loob at isang cabinet para sa damit. Ang isang kuwarto ay kay Jepoy at sila naman ni Tristan ang gumagamit ng isang kuwarto. May munti din silang kusina na nandoon na din ang pang-apatan na dining table. Sa sala ay may maliit na sofa at may study table malapit sa bintana. Doon nakapatong ang isang laptop na ginagamit naman niya sa mga raket niya.
Palibhasa ay UP student din naman siya dati, mahusay siya pagdating sa pagsusulat. Sa kanya nagpapa-edit ng mga thesis ang mga estudyante sa UP at binabayaran naman siya ng mga ito. Maliit lang ang singil niya sa bawat thesis, na saktong naiipon lang niya para makabayad naman sa kuryente at tubig. Bukod naman sa editing ay tumatanggap na din siya ng typing job dahil may mga suki na siyang estudyante.
“Oh, Tristan, bakit nakakapit ka na naman diyan sa Tito mo?” Nakita ni Christine ang anak niya na nakakapit sa laylayan ng tshirt ni Jepoy. “Sasama ka na naman sa pagtitinda ano?”
“Opo.” Mabilis na sagot ni Tristan. Bibong bibo ito at matatas magsalita. Hindi pa nag-aaral kaya naman minsan ay pinapayagan niya na sumama kay Jepoy dahil nakaupo lang naman ito sa isang tabi. At ang university ay nilalakad lang mula sa bahay nila.
“Sige na ate, ako na ang bahala kay Tristan. Para wala ding istorbo sa ‘yo, alam ko may tinatapos kang isang thesis editing ngayon.”
“O siya sige, mag-iingat kayo ha. Ikaw Jepoy pumasok ka mamaya ha. Kailangan andito na kayo ng lunchtime.” Bilin naman ni Christine. Sa umaga lang nagbibenta si Jepoy. Panghapon ito sa klase at nasa Grade 6 na. Ang pangarap na lang ni Christine ay kahit makapagtapos na lang si Jepoy ay masaya na siya.
Nang mapag-isa na si Christine ay naglinis muna siya ng buong bahay. Isinunod ang pagluto ng pananghalian. Pagkatapos ay saka siya naligo para preskong presko siya kapag hinarap na niya ang laptop niya. Habang nasa loob ng banyo ay hindi maiwasang sumagi uli sa isip ni Christine ang ama ni Tristan.
Hinawakan niya ang malulusog niyang dibdib at napapikit. Na-imagine niya na yung lalaking iyon ang pumipisil sa dibdib niya. Bahagya siyang napaungol nang kusang pumisil ang mga daliri niya sa nakatayo na niyang mga n*****s. Pinadaanan niya ito ng sabon at matagal na pinadaan sa ibabaw ng dibdib niya. Habang ginagawa niya ito ay nasa isip niya ang malabong imahe ng mukha ng lalaking iyon. Dahan dahan naman niyang ibinaba ang isang kamay niya at kinapa ang pagitan ng mga hita niya. Agad niyang naramdaman na parang may lumabas na mainit na likido sa kanya. Tuluyan na niyang ipinasok ang daliri niya at pinaglaro nang matagal sa loob ng kanyang p********e. Napapalakas na ang ungol niya at napasandal na siya sa dingding. Binilisan pa niya ang paglabas pasok ng daliri niya sa sarili niya at salitan niyang sinasalat ang kuntil na nasa ibabaw ng p********e niya na noon ay matigas na din na parang nanggigigil. Hindi na niya tinigilan ang pagtaas at baba ng daliri niya at mayamaya lang ay napaalon ang katawan niya at lumabas na ang napakaraming katas mula sa kanya. Impit na daing at lagaslas lang ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo ng mga sandaling iyon.
Nang makapagbihis na si Christine ay masaya siya at handang handa na para harapin ang trabaho. Nagbibigay ng kakaibang lakas sa kanya ang pagpapaligaya sa sarili. Lalo kapag ang ini-imagine niya ay ang lalaking pinagsukuan niya ng virginity niya. Mayroon namang mga manliligaw si Christine, ang isa pa nga ay masugid na manliligaw, si Joseph, na nakatira lang din malapit sa kanila. Pero hindi pa din mawala sa isip niya ang tatay ni Tristan at umaasa siya na darating ang panahon at magtatagpo silang muli.
Ang manliligaw niya na si Joseph ay mabait. Halos kaedaran lang din niya at guwapo din naman. Alagang alaga nito sa pagbubuhat ang katawan niya kaya napaka-ganda ng katawan na pumuputok palagi sa suot na tshirt ang muscles nito. Sa lahat ng manliligaw ni Christine ay kay Joseph siya pinakamalapit. Yun nga lang ay pareho silang lumaki sa lugar na iyon at halos nakita niya kung paano ito nagbinata na para lang silang magkapatid.
Minsan ay niyaya siya nito na manood ng sine. Pumayag naman siya dahil kilala naman niya ito. Pag dating sa loob ng sinehan ay nangahas si Joseph na halikan siya. Hindi siya nakakibo at hindi din naman siya nanlaban. Madilim noon at hindi niya alam kung nahalata ba ni Joseph na gulat na gulat siya. Marahil ay inakala ni Joseph na okay ang ginagawa niya kaya naglakas loob ito na kapain pa ang dibdib niya. Nasarapan naman siya sa marahang marahang paghimas ni Joseph sa dibdib niya at sa unti unting pagpisil nito sa nakabakat niyang mga n*****s. Mainit ang kamay ni Joseph at halatang kabado. Iniyakap ni Christine ang mga kamay niya sa leeg nito at tuluyan nang kumalma si Joseph. Lalong sinarapan ang paglalaro sa mga n*****s niya na noon ay mga tayung tayo na din. Hindi naman maintindihan ni Christine kung bakit hinahayaan niya lang si Joseph. Lumakas tuloy lalo ang loob nito at yumuko para mahalikan siya sa dibdib. Unti-unting nabuksan ni Joseph ang mga butones niya at unti-unti ding umabot ang dila nito sa mga n*****s niya. Napahigpit ang kapit ni Christine sa leeg nito. Napapaangat na ang katawan niya at pakiramdam niya ay bahagya nang nabasa ang panty niya. Naramdaman ni Joseph ang pag-angat ng katawan ni Christine kaya ibinaba na din niya ang isang kamay at isinuksok sa pantalon niya na de-garter.
“Ang sarap mo, Tin...basang basa ka na.” Binulong ito ni Joseph sa kanya at lalong nag-init ang pakiramdam ni Christine. Pigil na pigil siya na makalikha ng ingay. Mabuti na lang ay sa bandang dulo sila nakaupo at walang masyadong tao sa loob ng sinehan. Ipinasok ni Joseph ang daliri niya sa kanya at dahan dahan itong inilabas at ipinasok nang paulit ulit na parang nanunukso.
Ramdam ni Christine na basang basa na siya at parang gusto niya nang mas mabilis pa. Kumapit siya nang mahigpit kay Joseph at bumulong dito. “Please, bilisan mo pa.” Hindi naman siya binigo ni Joseph at ibinigay ang gusto niya. Pabilis nang pabilis ang ginawa nitong paggalaw sa daliri niya nang hindi gumagalaw ang mga braso kaya hindi nahahalata na may ginagawa sila. Nang malapit na sa sukdulan si Christine ay hinanap nito ang labi ni Joseph at humalik nang mariin dito sabay nagpakawala ng napakaraming katas. Basang basa ang kamay ni Joseph nang ilabas niya sa pantalon ni Christine. Parang nanlalambot naman si Christine na nanatili lang nakayakap kay Joseph.
Kahit na may nangyari nang ganoon sa kanila ni Joseph ay hindi pa din niya ito sinasagot. Katuwiran niya ay pareho lang silang nadala ng sitwasyon. Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Joseph at itinuloy pa din ang panunuyo sa kanya. Kahit na hindi siya sinasagot ni Christine, nagkaroon naman sila ng kakaibang closeness magmula nang mangyari iyon sa kanila sa sinehan. At hindi lang minsan na naulit pa uli ang eksenang iyon sa kanilang dalawa. Pero palaging ganoon lang, hindi na umaabot na pati si Joseph ay makakaraos din. Ganunpaman, maligaya si Joseph kapag napapaligaya niya si Christine.
NAGULAT naman si Christine dahil mayamaya lang ay sumisigaw na si Jepoy at hinahanap siya. Masyado siyang ginanahan sa editing job niya at hindi namalayan na tanghali na pala.
“Oh, Jepoy, ang layu layo pa rinig na rinig ko na ang sigaw mo.” Pagkasabi nito ay sabay kinandong si Tristan na nasa tabi ni Jepoy. “Kumusta ang bebe ko? Enjoy ka ba?” Yumakap si Tristan sa kanya at tumango.
“Ate, tingnan mo, oh.” Ipinakita ni Jepoy ang isang papel na parang poster. May nakasulat na Alumni Anniversary Celebration. Agad na kinuha ito ni Christine sa kamay ni Jepoy at binasa.
Alumni Anniversary Celebration. April 16, 2021, 7:00 pm. University Gym, UP Manila.
Biglang nakaramdam si Christine nang magkahalong saya at kaba. Dumalo kaya ang lalaking iyon? Makilala ko kaya iyon kapag nakita ko? Pero papaano naman ako pupunta e hindi naman ako gradute, 3rd year lang naman ang inabot ko. Nang maisip niya ito ay naisip ni Christine na wala na nga pala talagang pag-asa dahil hindi naman siya alumni.
“O e ano ngayon, ano ‘to?” Tanong niya kay Jepoy.
“Eh, ate, hindi mo ba naiisip? Madaming tao niyan. Pupunta ako kahit gabi, magbebenta ako ng yosi at kendi. Sigurado malaki mapagbebentahan ko.” Excited na sagot ni Jepoy.
“Aah, ganun ba. Oo nga, tama ka. Sige, bibili ako ng maraming yosi at kendi.” Sumang-ayon naman agad si Christine. Akala naman niya ay may kinalaman sa ama ni Tristan ang pagbabalita ni Jepoy. Alam kasi nito na ang ama ni Tristan ay alumni. At alam din nito na disgrasya ang pagkakabuntis niya. Si Tristan naman ay hindi pa alam ang totoong kuwento. Ang alam niya lang ay nasa malayo ang tatay niya.
Dalawang araw na lang ay sasapit na ang Alumni Anniversary. Pinaghandaan ni Christine ang araw na iyon para sa pagbibenta ni Jepoy. Hindi lang yosi at kendi ang binili niya. Bumili din siya ng maraming mani at ginawa niyang adobo. Pagkatapos ay abalang abala siya na isinupot ang mga ito sa tagsa-sampung pisong sukat.
Gusto niya sanang sumama kay Jepoy pero nagkataon na ang daming deadline nang mga panahong iyon. Finals week at naghahabol halos lahat na makapagpasa ng mga papers at thesis. Naunawaan naman ni Jepoy kaya hinayaan na niya ang ate niya.
Nang sumapit ang araw ng Alumni Anniversary, alas-sais pa lang ay nakapuwesto na si Jepoy sa may daanan malapit sa parking lot. Maganda ang pwesto na ito dahil daanan at madami ang pumupwesto dito para magyosi. Kasama niya uli si Tristan dahil ayaw magpaiwan. Nagpumilit talaga itong sumama sa kanya kaya panay naman ang bilin ni Christine na huwag magiging pasaway kay Jepoy at siguraduhing uupo lang sa isang tabi.
“Yes, nanay! Uupo lang ako sa tabi ni tito. Behave ako at good boy.” Cute na cute si Tristan nang sinabi niya ito kay Christine kaya pinayagan naman niya ito.
Saktong alas-syete ay dagsa na ang dating ng mga tao sa University Gym. Madami na ding nabibentang kendi at yosi si Jepoy. Paminsan minsan ay tumatayo siya at isinisigaw ang paninda niya.
“Yosi, maniiii! Mani kayo diyaaaan!” Sigaw ni Jepoy para marinig siya kahit ng mga nasa malayo sa parking lot. Effective naman ang ginawa niya dahil madami nga ang lumalapit sa kaniya. Kapag napapalayo siya sa puwesto ay nililingon lingon niya sa Tristan kung nandoon pa. Nandoon pa din naman ito sa pwesto nila at tahimik lang na nakaupo. Paminsan minsan ay nangingiti at sinusundan ng tingin halos lahat ng dumadaan sa tapat nito.
Sa loob ng gym ay nagsisimula na ang program. Isa sa mga unang magsasalita si Gabriel. Sa kanyang talumpati ay binanggit niya ang mga mahahalagang bagay ng pagiging isang UP Alumni. Binigyang diin din niya na ang mga kapwa taga-UP ay dapat na nagtutulungan lalo na kapag mayroong mga bagong graduate. Dapat lang na katulad nilang mga alumni ay aalalay sila sa mga baguhan. At bago natapos ang talumpati niya ay naisingit pa niya na tumatanggap ng bagong graduate ang kumpanya nila na mayroong opening as Executive Assistant niya. Madaming naghiyawan at tuwang tuwa sa anunsiyo niya.
“At hindi pa dito nagtatapos ang talumpati ko. Gusto ko ding manawagan sa lahat. Kung ikaw man ay isa sa mga dumalo ng Alumni Anniversary 5 years ago, may sorpresa ang kumpanya namin sa inyo. May ipinamimigay kaming gift certificates and prizes para sa inyo. It’s a part of our campaign kaya ano pa ang hinihintay ninyo...message us if you’re one of them. I’ll flash my contact details later on the big screen." Pagkasabi niya nito ay tinapos na niya ang speech niya at bumaba na ng stage.
Saktong nakababa siya ay may nag-anunsiyo sa stage ng plate number. Nananawagan na kung sino man ang nagma-may-ari ng sasakyang iyon ay kung maaring paki-urong ng sasakyan at may lalabas na sasakyan sa bandang likuran nito. Natigilan si Gabriel at ilang segundo bago niya narealize na sasakyan niya iyon. Kaya itinaas niya ang kamay niya at sumenyas na lalabas na siya at pupunta sa parking lot.
Si Jepoy naman ng mga oras na iyon ay abalang nagbibenta sa mga lumapit sa kanya na estudyante. Hindi magkanda-ugaga si Jepoy sa dami ng lumapit sa kanya at ang iba ay nagpapasindi pa ng yosi. Bigla na lang ay nakarinig sila ng sigawan at tunog ng mahinang paglagabog. Napalingon si Jepoy sa puwesto nila at kinabahan siya dahil wala na doon si Tristan.
Mabilis na lumapit sa pwesto si Jepoy. Naiiyak na siya dahil pakiramdam niya ay may nangyari kay Tristan. Hindi nga siya nagkamali dahil narinig niya mula sa mga nagsigawan na mayroong batang nabundol. May batang nabundol! Halos maiyak na si Jepoy nang takbuhin niya ang pinangyarihan at gulat na gulat nang makita ang duguang si Tristan. Naabutan pa niya na binuhat ito ng isang lalaking matipuno at sumisigaw.
“Tabi! Tabi kayo!” Pinatatabi niya ang mga nag-uusyoso sabay nagtanong nang malakas. “May kasama ba itong batang ito?”
“Ako! Ako po!” Lumapit si Jepoy at umiiyak na ng mga oras na iyon. Napapailing iling si Gabriel pagkakita sa kanya.
“Sakay! Bilisan mo, pupunta tayo ng ospital.” Sumakay si Jepoy sa likuran, ipinakalong sa kanya si Tristan na may dugo na sa bandang ulo at wala itong malay. Nanginginig na si Jepoy sa takot. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa ate niya.
“Nasaan ang magulang niyo? Kapatid mo ba siya?” Habang nagmamaneho ay tinatanong naman ni Gabriel si Jepoy.
“Pamangkin ko po siya. Ate ko po ang nanay niya.” Sumasagot si Jepoy sa pagitan ng mga pag-iyak.
“May dala ka bang cellphone? Alam mo ba ang number niya?”
“Opo, may dala po ako. Opo...ano po ang sasabihin ko?” Pagkatanong nito ay agad niyang inilabas ang cellphone sa suot na belt bag. Nandoon din nakalagay ang perang napagbentahan niya ng gabing iyon.
“Good. Sabihin mo papunta tayo sa Manila Doctor’s Hospital dadalhin natin ang pamangkin mo...Sumunod sya ngayon din.”
Krring..(tunog ng telepono)
“Hello, ate?”
“Oh, napatawag ka, Jepoy?”
“Ate, dadalhin namin sa Manila Doctor’s Hospital si Tristan...sumunod ka ngayon na ate.”
“Teka, teka...tumigil ka muna sa pag-iyak, hindi kita maintindihan. Ospital ba kamo? Saan? Sino? Bakit?”
“Ate, si Tristan nabundol. Dadalhin namin ngayon sa Manila Doctor’s, sunod ka na ngayon na.”
Pagkasabi ni Jepoy nito ay wala na siyang narinig na sagot.
Si Christine naman na nasa bahay ay agad na napaupo sa sahig pagkarinig sa sinabi ni Jepoy. Ilang segundo lang ay nagsisigaw na siya ng pangalan ni Tristan sabay dalidaling nagbihis at lumabas ng bahay.
Pagkababa ng taxi ay nanakbo na si Christine papasok sa emergency room at sumisigaw ng Tristan. Isa-isa niyang hinawi ang mga nakatabing na berdeng kurtina sa mga kama. Sa ikalimang kama, pagkahawi niya ay mukha ng isang guwapong lalaki ang nakita niya. Nakahawak ito sa kamay ni Tristan, at nasa tapat nito nakaupo si Jepoy. Nagulat sila nang sumigaw si Christine.
“Tristaaan, anak ko...anong nangyari sa bebe ko?” At tuloy tuloy na umiiyak si Christine at patakbong lumapit kay Tristan sabay niyakap ito. Napatayo si Gabriel at napaatras. Hinayaan lang muna si Christine at pinagmamasdan ito. Manghang mangha siya na bata pa pala ang nanay ng batang ito. At hindi halatang isa nang ina. Napakaganda ng hugis ng katawan. Kahit walang make-up ay halatang halata na maganda ito at napaka-amo ng mukha. Hindi maipaliwanag ni Gabriel ang kakaibang naramdaman niya pagkakita kay Christine.